Ang Petron Corporation, ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Pilipinas, ay naglunsad ng panibagong kampanya, “Tapat Sa’yo.” Ang bagong inisyatibang ito ay nagpapatibay sa pangako ng Petron na unahin ang mga kostumer, at tinitiyak na sila ay makakatanggap ng pinakamahusay na mga produkto at serbisyo sa tamang halaga.
“Naninindigan kami na nararapat lamang na mabigyan ang mga Pilipino ng ‘the best’ pagdating sa kanilang mga pangangailangan sa paglalakbay. Sa ‘Tapat Sa’yo,’ pinagtitibay namin ang aming pangako na maging pinakapinagkakatiwalaang tatak ng mga motoristang Pinoy,” ayon kay Lemuel Cuezon, Marketing Vice President ng Petron Corporation.
Ang “Tapat Sa’yo” ay pundasyon ng ‘customer-focus’ ng Petron, at nakabatay sa pagbigay ng mas sulit na halaga sa abot-kayang presyo na siyang simbolo kung paano nito inaalagaan ang mga motorista sa lahat ng aspeto, katulad ng pagiging:
Tapat sa Produkto: Ang lahat ng produkto ng Petron ay espesyal na na-formulate at masusing sinubukan upang maging angkop sa mga Philippine driving conditons batay sa global quality standards. Ang kanilang mga produktong world-class ay pinangangalagaan ang takbo ng makina habang nagdudulot ng swabe, ligtas, at matipid na pagmamaneho.
Tapat sa Serbisyo: Sinisigurado ng Petron ang mabilis, magiliw, at maaasahang serbisyo sa bawat istasyon. Sinisikap ng mga frontliners na magbigay ng maaasahang serbisyo, upang masiyahan ang mga kustomer tuwing sila ay dumayo sa Petron.
Tapat sa Pasilidad: Ang malilinis at maaayos na mga pasilidad ay prayoridad para sa Petron. Sa kanilang pinakamalawak na network ng mga service station sa bansa, tinitiyak ng Petron na ang bawat istasyon ay may mga kinakailangang serbisyo tulad ng hangin at tubig, pati na rin ang malinis na mga palikuran, na nagbibigay sa mga kostumer ng komportable at maginhawang paglalakbay.
Tapat sa Mga Promo: Walang tigil ang paghain ng Petron ng mga promosyon at papremyo para sa mga miyembro ng Petron Value Card upang magbigay ng tuloy-tuloy na kasiyahan sa kanyang mga suki.
Upang ipagdiwang ang kampanyang “Tapat Sa’yo,” inilulunsad ng Petron ang kanilang pinakamalaking promotional offer, “1 Winner Kada Araw! Motorsiklo OR 1-Year Gas.” Mula Setyembre 16 hanggang Disyembre 24, 2024, mamimigay ang Petron ng 100 na Motorsiklo OR One-year Free Gas! Para sa dagdag na kasiyahan, ang mga nanalo ay maaring pumili kung ang gusto nilang matanggap na premyo ay isang bagong motorsiklo o isang taong supply ng libreng gasolina.
Ang “Tapat Sa’yo” ay hindi lamang slogan — ito ang pangako ng Petron sa mga motoristang Pinoy. Bilang lider sa industriya, sigurado na ‘world-class’ ang kalidad ng mga produkto, maaasahan ang serbisyo, maginhawa ang mga pasilidad, bongga ang mga promos, at sulit na sulit ang bawat piso sa Petron.
I-‘Like’ at i-‘Follow’ ang Facebook page na Petron Corporation para sa karagdagang impormasyon at updates tungkol sa kumpanya, at Petron Rewards para mga promos.