NAGKABIT ang Meralco (Manila Electric Company) kamakailan ng bagong 115 kilovolts (kV) na linya na may habang 2.1 kilometro. Layunin nito na lalong pagbutihin at palakasin ang 115 kV sub-transmission system nito sa lungsod ng Pasay.
Ang PAGCOR 1-CBP1A 115 kV line na ito ay nakaabang para siguraduhing may maayos na serbisyo ng kuryente ang inaasahang karagdagang customers sa Aseana City.
Nagkakahalagang P 249.01 milyon ang proyektong ito, na nagsisilbing paghahanda para sa koneksyon ng ASEANA-1 gas insulated switchgear substation sa PAGCOR 1- Metpark 115 kV Line.
Patuloy ang pamumuhunan ng Meralco upang palakasin ang distribution system nito upang matiyak ang paghahatid ng ligtas, maaasahan at tuluy-tuloy na sa serbisyo ng kuryente sa mga komunidad na pinagsisilbihan nito.